14 patay, 25 nawawala sa naganap na landslide sa Colombia

Umakyat na sa labing apat ang patay sa naganap na landslide sa Colombia kasunod ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Bukod rito, 25 ang pinaniniwalaang natabunan ng putik at nabagsakan ng mga nasirang kabahayan.

Kaagad namang rumesponde ang military forces upang tumulong sa search and rescue na isinasagawa sa mga apektadong lugar.


Ayon kay Colombian President Ivan Duque, kasalukuyang tinatanggal ng emergency services ang mga nakaharang sa daan upang hindi maging balakid sa mga paparating pang tulong.

Facebook Comments