Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Pampanga, umabot na sa 7

Umabot na sa pito ang patay matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon Lunes ng hapon.

Ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, dalawa ang naiulat na nasawi sa Lubao habang apat ang namatay sa Pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac.

Kasabay nito, nanawagan naman ng tulong si Pineda para maisalba ang maaaring mga naiipit sa gumuhong gusali sa Porac.


Sa interview ng RMN Manila kay Cangatba Barangay Chairman Paul Vincent Lusong, patuloy ang kanilang search and rescue operation para sa pinaniniwalaang na-trap sa Chuzon Supermarket kung saan karamihan ay mga empleyado.

Hanggang kaninang alas sais ng umaga, nasa pito na ang nailigtas at dinala sa mga ospital.

Nagpadala na rin ang Metropolitan Manila Development Authority ng isang team na tutumulong sa rescue operation sa Porac, Pampanga.

Facebook Comments