“CLINICALLY CONFIRMED” na Japanese Encephalitis ang dahilan ng pagkamatay ng 14 anyos na si Jazmin Prestoza na mula sa Bayambang.
Ayon kay Dra. Ana De Guzman, Provincial Health Officer Chief na nakita sa bata ang sintomas ng nasabing sakit tulad ng taas -babang lagnat, pananakit ng ulo at kasu-kasuan, maging pagkakalito nito sa kanyang kondisyon.
Unang dinala ito sa isang health center ngunit walang nakitang kakaiba dito at dinala pa daw umano ito sa isang albularyo dahil sa pag aakalang ito ang magpapagaling sa kaniya. Kalaunay napagpasyahan ng pamilya na dalhin na ito sa ospital at doon na nakita ang mga sintomas.
Dagdag pa ni De Guzman na nasuri na ng mga doktor mula sa isang ospital ang nasabing bata kung saan siya dinala at doon na din binawian ng buhay na naobserbahan ang lahat sintomas ng sakit na Japanese encephalitis.
Makukuha umano ang naturang sakit mula sa kagat ng lamok na kabilang sa celux family na karaniwang lumalabas tuwing dapit hapon o gabi o madaling araw.
Maaari din umano itong manggaling sa mga manok o ibon maging sa irrigation area. Payo ni Dra. De Guzman na wag ipawalang bahala ang taas babang lagnat at magpasuri sa mga health center upang maiwsang lumala.
Sa ngayon mayroon ng 13 kaso ng Japanese encephalitis sa lalawigan at dalawa na ang nasawi.
14 taong gulang na babae na namatay umano sa Japanese Encephalitis sa Bayambang Pangasinan “Clinically Confirmed”
Facebook Comments