Aabot sa 140 na lugar sa 72 barangay sa Metro Manila ang naka-granular lockdown.
Batay ito sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nag-deploy ng 333 police personnel mula sa iba’t ibang distrito para tumulong sa 480 barangay tanod at force multipliers sa pagpapatupad ng paghihigpit dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Pinakamaraming lockdown areas ay sa area of responsibility ng Northern Police District na bumibilang ng 76 sa 22 barangay.
Kasunod ang sakop ng Quezon City Police District (QCPD) na 42 lugar sa 35 barangay.
Pangatlo ang Eastern Police District na may 19 na lockdown areas sa 12 barangay habang ang Southern Police District (SPD) ay may 3 lockdown areas sa 3 barangay.
Bukod tanging ang Manila Police District (MPD) ang walang iniulat na lugar na isinailalim sa lockdown sa kanilang nasasakupan.