140 na Tokhang Responders ng PNP Ngauilian, Isabela, Negatibo sa Droga Matapos Sumailalim sa Drug Test!

33

*Naguilian, Isabela- *Nagnegatibo lahat sa droga ang nasa 140 na Tokhang Responders ng PNP Naguilian matapos isailalim sa drug test.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni PO3 John John Malan, Police Community Relations (PCR PNCO) ng PNP Naguilian na mula sa 294 na kabuuang tokhang responders na hawak ng kanilang nasasakupan ay 140 rito ang isinailalim sa drug test na nagnegatibo naman.

Ang mga natitirang tokhang responders ay naaresto na umano at maaari na ring lumipat sa ibang lugar ang ilan sa mga ito.

Aniya, bunga ito ng kanilang puspusang pagtutok sa kanilang mga tokhang responders upang hindi na bumalik sa paggamit ng droga.

Pinasalamatan naman ni PO3 Malam sina PNP Regional Director PCSupt Jose Mario Espino, Isabela Provincial Director PSSupt Mariano Rodriguez at ang kanilang hepe na si PSI Garry Macadangdang dahil sa kanilang pagbibigay suporta at direktiba upang mapanatili ang peace and order sa kanilang nasasakupan.

Samantala, nasa maayos naman na kalagayan ang bayan ng Naguilian dahil sa patuloy na pagbabantay ng kapulisan para sa seguridad at kaayusan ng naturang bayan.

Facebook Comments