1,400 summer jobs bukas para sa mga estudyante at OSY sa ARMM!

Inanunsyu ng Department of Labor and Employment- Autonomous Region in
Muslim Mindanao (DOLE-ARMM) 1,411 summer jobs ang kasalukuyang available
para sa mga estudyante at out-of-school youth sa buong rehiyon.

Sinabi ni DOLE-ARMM Secretary Muslimin Jakilan, ang programa ay bukas sa
lahat ng kwalipikadong high school, college o vocational course students at
sa mga OSY na nakatira sa mga lugar na saklaw ng Health, Education,
Livelihood, Peace and Governance, and Synergy (ARMM-HELPS) program, ang
development convergence initiative ng regional government na sumasakop sa
553 recipient barangays.

Ayon kay Sec. jakilan, prayuridad nila ang mga higit na nangangailangan ng
summer jobs.


Bahagi umano ito ng Special Program for Employment of Students (SPES),
flagship
program na idinisenyo upang makapagbigay ng income opportunities sa OSY at
estudyante mula sa mahirap na pamilya tuwing summer o Christmas break.

P3.8 million ang inilaang pondo ng DOLE-ARMM para sa programa.

Facebook Comments