142 Pilipinong isinailalim sa repatriation mula sa tatlong bansa, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa Pilipinas ang 142 Pilipino mula sa Myanmar, Laos, at Cambodia na isinailalim ng repatriation.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dakong alas-4:20 kahapon nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport ang mga Pinoy.

Sa kabuuang bilang, 67 ay nagmula sa Cambodia, 50 sa Laos at sa Myanmar ang natitirang iba pa na kasalukuyang nakakaranas ng political turmoil.


Tiniyak naman ng DFA na pawang nakatanggap ng tulong-pinansiyal ang mga ito mula sa pamahalaan.

Sa ngayon, umabot na sa 413,112 Pilipino ang napauwi sa bansa magmula ang pandemya.

Facebook Comments