142,000 strong military force, nakabantay ngayong halalan

Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na i-exercise ang kanilang karapatang bumoto at piliing mabuti ang mga susunod na mamumuno sa bansa.

Ayon kay AFP Chief of Staff, General Benjamin Madrigal Jr. – 142,000 strong military ang handa na para sa halalan ngayong araw.

Sinabi rin ni Madrigal na handa rin ang militar na harapin ang anumang banta sa seguridad at kredibilidad ng eleksyon.


Katuwang din ng AFP ang Philippine National Police (PNP) sa pagtitiyak ng seguridad.

Sa ngayon, nasa ‘red alert’ ang lahat ng kampo at unit ng AFP sa buong bansa.

Facebook Comments