PNP, hindi hinihikayat sa publiko ang citizens arrest kontra vote buying

Hindi inirerekomenda ng Philippine National Police (PNP) ang citizens’ arrest sakaling may insidente ng vote buying o selling.

Ayon kay PNP Directorate for Operations, Police Major General Mao Aplasca – inilalagay lamang nito sa panganib ang buhay ng mga testigo.

Sa halip, dapat isumbong ng publiko ang anumang insidente ng pamimili o pagbebente ng boto sa mga awtoridad na may kapangyarihang umaresto.


Sa huling datos ng PNP-National Election Monitoring Action Center (NEMAC) nasa 155 suspects ang naaresto dahil sa vote-buying at selling habang 10 ang nakatakas.

Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ay may pinakamaraming bilang ng naaresto na nasa 108, sumunod ang Calabarzon Police Regional Office (PRO-4A) na may 25, Western Visayas (PRO-6) na may walo, Bicol (region 5) at Soccsksargen (Region 12) na may anim.

May apat na naaresto sa Ilocos region, tatlo sa Mimaropa, tig-dalawa sa Cagayan Valley at Northern Mindanao at isa sa Cordillera.

Facebook Comments