144 close contacts sa kaso ng UK variant ng COVID sa Benguet, natukoy na ng DOH

53

34 pang close contacts ng Pilipino mula United Kingdom na umuwi ng bayan ng Bontoc, Mountain Province ang nagpositibo sa COVID-19.

Gayunman, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi UK variant ang nakita sa kanila.


Bahagi aniya sila ng 144 na close contacts ng 12 COVID cases ng UK variant.

Ayon kay Vergeire, 116 dito ang sumailalim na sa pagsusuri.

Nilinaw rin ni Usec. Vergeire na pinag-aaralan pa nila ang detalye sa naging hawaan sa Bontoc, Mountain Province at ang nakita sa ngayon ay ang tatlong clusters ng infection.

Inaalam din aniya sa ngayon kung may iba pang galing sa ibang bansa at umuwi sa Bontoc na pinagmulan ng virus.



Facebook Comments