Apat pang kaanak ng Pilipinong nagpositibo sa UK variant sa La Trinidad, Benguet, nagpositibo rin sa COVID-19

32

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na positibo na rin sa COVID-19 ang apat na kasama sa bahay ng Pilipino na umuwi ng La Trinidad, Benguet na tinamaan ng UK variant ng SARS COV2.

Ang mga ito aniya ay ang lola, nanay, tatay at kapatid ng nasabing Pilipino.


Bahagi sila ng 97 na natukoy na close contacts at sila ay naka-isolate na sa ngayon.

Samantala, sa dalawang umuwing OFW naman mula Lebanon, sinabi ni Usec. Vergeire, na nakita na ang isa ay nagtungo ng Iloilo habang bine-beripika pa ng regional office ang sinasabing umuwi sa Binangonan, Rizal.

Sinisimulan na rin ng DOH ang imbestigasyon hinggil sa sinasasabing kaso ng UK variant sa Calamba, Laguna.

Facebook Comments