144 tonelada ng undocumented shipment ng carrots at yellow onions, nasabat ng mga awtoridad sa Port of Subic

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ang limang container undocumented shipment ng mga carrots at yellow onions na tinatayang nagkakahalaga ng P21-M sa Port of Subic.

Ang nasabing mga container ng agricultural commodities na inangkat noong August 15 ng Betron Consumer Goods Trading mula sa China ay dumaong sa Port of Subic.

Sa isinagawang pagsusuri ng BOC, natuklasan ang tunay na laman ng naturang container taliwas sa idineklara ng Betron na naglalaman ito ng frozen fish at egg balls.


Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., anumang produktong pang-agrikultura ay kailangan ng sanitary and phytosanitary import clearance bago ipasok sa Pilipinas.

Binigyang diin ni Tiu Laurel Jr. na iligal ang pagpasok sa bansa ng kargamento at ito ay magdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao at ikalulugi ng ating mga lokal na magsasaka.

Facebook Comments