145 thousand travelers, lumabas ng bansa ngayong holiday season

35

Umaabot na sa mahigit 145 thousand travelers ang lumabas ng bansa ngayong Disyembre.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), mas mababa ang bilang na ito kumpara sa mga nakalipas na holiday season.

Ito ay sa harap na rin ng banta ng Omicron variant kung saan nagpapatupad ngayon ng travel restrictions at quarantine requirements ang maraming mga bansa.


Pinakamarami sa mga lumabas ng bansa ay mga Pilipino, sumunod ang Americans, Indians, Chinese at Japanese.

Inaasahan naman ng BI na ngayong linggong ito ay aabot ng 200 thousand travelers ang lalabas ng bansa.

Facebook Comments