MANILA – Nakapagtala ang Philippine National Police ng kabuuang 146 election related incident mula January 10 hanggang kahapon.Pero sinabi ni PNP Spokesperson C/Supt. Wilben Mayor na 28 pa lamang rito ang nakumpirmadong may kaugnayan sa politika.Sa bilang na ito, labing limang (15) ang patay habang siyam (9) ang sugatan habang animnapu (60) ang walang kinalamang sa eleksyon.Pinakamarami sa insidente ay naitala sa Central Luzon na may limang (5) kaso, sumunod ang Cagayan Valley, Southern Tagalog at Central Luzon na may tig-apat (4) na kaso, habang tatlo (3) sa Ilocos Region, dalawa (2) sa Metro Manila at Northern Mindanao at tig-isa (1) sa Western Mindanao, Bicol Region, Cordillera at Central Mindanao.Samantala… Umapela si PNP Chief Dir/Gen. Ricardo Marquez sa lahat ng mga kandidato at sa kani-kanilang mga supporters na maging mahinahon at respetuhin ang ipinapatupad na batas.Kasunod ito ng mga report na ilang mga supporters ng mga kandidato ay nagiging agresibo at marahas.Pinaalalahanan din ni Marquez ang publiko sa ipinapatupad na liquor ban ng Comelec kung saan umabot na sa 19 ang lumabag dito.Ang sinumang napatunayang nagkasala dito ay hindi na papayagang makapasok sa public office at maaring makulong ng isang taon.Tiniyak din ng PNP Chief sa publiko ang mapayapa at ligtas na halalang ngayon katuwang ang Armed Forces of the Philippines.
146 Na Election-Related Violence, Naitala Ng Philippine National Police Mula Enero
Facebook Comments