Thursday, April 30, 2026

β€Žπ—•π—¨π—›π—”π—ͺπ—œ, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 π— π—œπ—–π—›π—œπ—šπ—”π—‘ 𝗔𝗧 π—’π—žπ—Ÿπ—”π—›π—’π— π—”; 𝟲 𝗑𝗔 π—žπ—”π—§π—”π—’, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬!

β€ŽCauayan City -Patay ang anim na katao habang mahigit labindalawa ang nasugatan matapos tumama ang isang malakas na buhawi dulot ng nagdaang bagyo sa Michigan at Oklahoma sa Estados Unidos.
β€Ž
β€ŽAyon sa mga awtoridad, apat sa mga nasawi ay mula sa southern Michigan, kabilang ang isang 12-anyos na batang lalaki, habang dalawa naman ang naitalang nasawi sa Oklahoma.
β€Ž
β€ŽMatinding pinsala ang iniwan ng bagyo matapos nitong pabagsakin ang mga ilang mga nakatayong puno sa lugar magig ang lang mga linya ngmga kuryente ay natumba rin.

Dagdag pa rito, napinsala rin ang ilang mga gusali at mga kabahayan dahil sa tindi naturang sakuna.
β€Ž
β€ŽIlang bahay din ang tinangay ang bubong habang daan-daang residente ang nawalan ng suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar.
β€Ž
β€ŽSa Branch County, Michigan, tatlong katao ang nasawi at 12 ang nasugatan matapos tumama ang buhawi malapit sa Union City.
β€Ž
β€ŽSamantala, isang buhay rin ang nasawi habang ilan sa mga residente ang nakapagtamo ng sugatan ang iniulat sa Cass County kung saan kabilang sa mga nasawi ang 12-anyos na nagtamo ng matinding pinsala dulot ng masamang panahon.
β€Ž
β€ŽDahil dito, nagdeklara ng state of emergency si Michigan Governor Gretchen Whitmer sa ilang county upang mapabilis ang pagtulong sa mga naapektuhan.

Bilang tugon, kaagad na binuksan sa publiko ang State Emergency Operations Center sa Branch, Cass at St. Joseph counties ayon sa Michigan State Police.
β€Ž
β€ŽSa Oklahoma naman, dalawang katao ang nasawi sa Beggs matapos ang buhawi sa Okmulgee County, dahilan upang magdeklara rin ng state of emergency si Governor Kevin Stitt habang nagpapatuloy ang rescue at clearing operations sa lugar.

β€Ž

Facebook Comments