148M doses ng COVID-19 vaccines posibleng maglahong parang bula kapag nilabag ang confidentiality agreement

Nagbabala si National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na maaaring mawala ang nasa 148 million doses ng COVID-19 vaccines kapag lumabag ang mga opisyal ng bansa sa umiiral na confidentiality disclosure agreement.

Ang pahayag ay sinabi ni Galvez makaraang manawagan ang ilang mambabatas na isapubliko ang presyo ng mga bakunang bibilhin ng pamahalaan.

Nabatid na lumagda kasi ang gobyerno sa confidentiality disclosure agreement sa iba’t ibang vaccine manufacturers at sakop nito ang presyo at volume o dami ng mga aangkating bakuna.


Pero paliwanag ni Galvez, sa oras na malagdaan na ang kontrata at mai-deliver na ang mga bakuna sa bansa ay kanila namang isasapubliko ang halaga nito.

Kasunod nito tiniyak ni Galvez na walang korapsyon sa bakuna.

Aniya, hindi papasok ang pamahalaan sa kahit anong negosasyon o pipirma sa isang kontrata kung tayo ay madedehado.

Facebook Comments