149 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras

Muling tumaas ang aktibidad ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon matapos na makapagtala ang PHIVOLCS ng 149 na pagyanig sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay mas mataas kumpara sa lima lamang na volcanic earthquakes na naitala kahapon.

Naglabas din ang bulkan ng 824 tons ng sulfur dioxide habang ang usok na ibinubuga nito ay may taas na 100 metro.


Babala ang PHILVOCS, anumang oras ay posibleng magkaroon ng steam-driven o phreatic eruptions ang bulkan.

Kaugnay nito, nag-abiso ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Sorsogon na wala ang anuman aktibidad sa loob ng 5 to 6 kilometers permanent danger zone at 2 kilometers extended danger zone.

Kasama ring ipinagbabawal ang tourism activities sa lugar kaya sarado rin muna ang mga resort.

Facebook Comments