Nasamsam ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang tatlong pakete na naglalaman ng 9,243 ecstacy tablets o “party drugs.”
Ang naturang mga iligal na droga ay nagkakahalaga ng ₱15.7 milyon.
Arestado naman ang claimants na sina Rowena Canapit at Michael de Guzman.
Ang dalawa ay inaresto matapos na magpakita ng authorization letter ng tunay na consignee ng package na si Glory Joy Buzeta.
Lumalabas din sa imbestigasyon na ang package ay pinadala nina Agner Buzeta” at “Victor Martis” mula sa The Netherlands.
Idineklara ng mga sender na hand bag, mga sapatos at mga damit ang laman ng package.
Ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.