Tiniyak ng Police Regional Office 1 na paiigtingin nito ang pagbabantay sa seguridad ng publiko ngayong holiday season.
Sa kauna-unahang Kapihan sa PRO1, sinabi ni PBGEN Enrique Magalona, Deputy Regional Director for Administrator, ipatutupad sa kanilang hanay ang 15-85% deployment scheme.
85% ng kanilang hanay ang ilalagay sa public convergence zone upang matutukan ang police operations at crime prevention.
15% naman ng kanilang hanay ang mananatili sa himpilan ng pulisya para sa administrative duties.
Binigyang diin ni Magalona na ipagpapatuloy din ng pulisya ang pagpapatupad sa minimum public health standard sa mga border checkpoints bilang pagtalima sa IATF.
Samantala, naisaayos na ng PRO1 ang schedule ng kanilang personnel para sa holiday break kung saan papayagan silang makauwi upang makasama ang kanilang pamilya. | ifmnews