15-anyos na babae, pinagtulungan gulpuhin ng mga kapwa menor de edad

668
Representation photo from Pixabay

TAGUIG CITY – Sumisigaw ng hustisya ang isang 15-taong-gulang na dalagita matapos pagtulungan bugbugin ng mga kapwa menor de edad noong nakaraang linggo.

Sa viral video na tinanggal sa Facebook, sinasabunutan, at sinasampal ng tatlong pasaway na babae ang biktimang nakasuot ng orange na damit.


Agaw-pansin din na walang umaawat sa panggugulpi at tila masaya pa ang kumukuha ng video sa nangyayari.

Kuwento ng biktima, naglalakad lamang siya nang biglang awayin at saktan ng mga menor de edad.

Bagaman naka-blotter na ang insidente, pinagdiskitahan naman ng inirereklamong grupo ang kaibigan ng dalagitang na-agrabyado.

Aniya, kinompronta at ninakaw ng mga suspek ang cellphone ng mga kasamahang tinarget.

May isinama pa daw na mga bakla ang mga kabataang pasaway na umano’y nagsimula ng pananakit.

Patuloy na hinahanap ng awtoridad ang mga sangkot sa naturang panggugulpi.

Facebook Comments