15 anyos na binatilyo comatose matapos pagbabarilin sa loob ng classroom sa isang eskwelahan sa Calamba City Laguna ng isang bakla

Comatose ang  isang 15 anyos na binatilyo matapos na dalawang beses pagbabarilin sa ulo sa loob ng eskwelahan sa Castor Alviar National High School sa  Brgy Masili, Calamba City kaninang tanghali.

 

Ayon kay Laguna Police Provincial Director Police Col Eleazar Mata, alas -12:30 ng tanghali kanina nang mangyari ang krimen.

 

Pumasok ang suspek na kinilalang si Renz Ivan Valderama, tinatayang nasa 30’hanggang  35 taong gulang sa eskwelahan ng grade 7 student at walang sabi sabing pinagbabaril ito sa ulo ng dalawang beses.


 

Agad itong naisugod sa Health Serve Hospital sa Calamba City at ngayon ay nasa brain dead situation o comatose ang biktima.

 

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP napag alamang bakla ang suspek at may relasyon umano sa biktima.

 

Sa ngayon patuloy ang pagtugis ng Calamba Police sa suspek na si Balderama.

Facebook Comments