15 Anyos na Estudyante sa Santiago City, Timbog sa Drug Buy Bust Operation!

44

*Santiago City- *Arestado ang isang menor de edad matapos na kumagat sa inilatag na Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad sa brgy Villasis, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Santiago City Police Station 1, huli ang kinse anyos na grade 9 student na itinago sa pangalang “Jun-Jun” matapos nitong bentahan ng isang sachet ng dried marijuana ang isang pulis na nagpanggap na bumibili sa halagang tatlong daang piso (300.00).

Dinala na sa himpilan ng PNP Santiago ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ng PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek.

Facebook Comments