PRICE WATCH | Presyo ng NFA rice sa palengke, nasa ₱27 at ₱32 kada kilo

Manila, Philippines – Asahan na ang tig-P27 at tig-P32 kada kilo na NFA rice sa lahat ng palengke matapos dumating ang daan-daan pang sako ng imported na bigas.

Ayon kay National Food Authority Administrator in Charge Tomas Escarez, dumating na ang 280,000 sakong imported na bigas.

Aniya, itataas na muli sa 20,000 bags ang ipapamahagi sa mga retailer mula sa dating 10,000 bags.


Sabi naman ni NFA Assistant Administrator Ma. Mercedes Yacapin, asahan rin ang dagdag na supply ng bigas sa Disyembre matapos ang bidding para sa government-to-government importation ng 203,000 metric tons na bigas.

Pumasok aniya sa bid price ng NFA na 470 dollars per metric tons ang presyong inalok ng Vietnam at Thailand na ide-deliver sa Disyembre 15 at 31.

Facebook Comments