15-anyos na may problema sa isip, binugbog at minolestiya ng kapitbahay

754

MALOLOS, BULACAN –  Tinali, sinakal, minolestiya. Ito ang kalunos-lunos na sinapit ng isang 15-anyos na dalagitang may problema sa pag-iisip sa kamay mismo ng kanilang kapitbahay nitong Martes.

Kuwento ng tiyahin ng biktima, isinama ng suspek ang menor de edad sa pagkuha ng financial subsidy pero dinala ito ng lalaki sa kaniyang tinitirahan.

Binugbog daw ng akusado ang musmos habang isinasagawa ang sexual na pang-aabuso.

Nakatakas lamang ito matapos magpanggap na patay. Agad naman siyang dinala sa munispyo ng mga residenteng hiningan niya ng saklolo sa daanan.

Nahuli naman ang 47-anyos na akusado na nahaharap ngayon sa kasong seduction of minor at physical injuries in relation to child abuse.

Facebook Comments