Pasig City Mayor Vico Sotto may pakiusap sa mga gustong magpaabot ng regalo sa kaniyang kaarawan ngayong araw

Hinikayat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang lahat nang gustong magbigay ng regalo sa kaniyang kaarawan na bumili na lamang ng mga grocery food packs at ipamigay sa mga nangangailangan ng tulong ngayong may COVID-19 pandemic.

Maaari umano itong dalhin sa Rescue Emergency Disaster (RED) Training Center o sa kaniyang opisina o kung ano ang mas convenient para sa kanila.

Pakiusap pa ng alkalde na wala munang selebrasyon o surprise party, dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganito, bukod sa ipinagbabawal sa ngayon ang mga mass gathering.


Si Sotto ay 31 taong gulang na ngayong araw.

Facebook Comments