Paralisado ang kaliwang braso at kamay ng isang binatilyo sa China matapos ang halos walang tigil na paglalaro ng video games sa loob ng isang buwan.
Nawalan na lang ng malay isang araw noong Marso ang 15-anyos na si Xiaobin, dahilan upang isugod sa ospital, ayon sa ulat ng Nanning TV via AsiaOne nitong Lunes.
Sinabi ng mga magulang ni Xiaobin sa doktor na inakala nilang nag-oonline class lang ang anak kaya naglalagi sa kuwarto magmula nang ipatupad ang COVID-19 lockdown.
“He shut the windows and locked the door. We had no idea what he was doing in there,” saad ng nanay.
Kalaunan nang madiskubre nilang abala pala ang anak sa paglalaro na inaabot ng 22 oras kada araw.
“I saw his online conversation with friends. He said he wasn’t well rested and was sleeping for at most two hours a day,” dagdag ng ina.
Nasuri sa ospital na nagkaroon ng carebral ischemic stroke si Xiaobin dulot ng kawalan ng sapat na tulog o pahinga.
“A lack of nutrition and rest had led to a reduced amount of blood and oxygen in his brain and caused a cerebral stroke,” paliwanag ni Dr. Li, brain specialist sa ospital.
Sumasailalim na si Xiaobin sa rehabilitation treatment mula noong Marso, ngunit sinabi ng mga doktor na hindi tiyak kung tuluyang babalik ang pakiramdam sa kaliwa niyang braso at kamay.