15 araw price freeze sa LPG at Kerosene, ipinatupad ng DOE sa mga typhoon-hit areas

35

Nagpatupad ang Department of Energy (DOE) ng price freeze sa kerosene at liquefied petroleum gas (LPG) sa loob ng 15 araw sa mga lugar na matinding sinalanta ng mga bagyo.

Sakop ng price freeze ang Marikina City, Aurora, Cagayan, at Isabela.


Sa abiso ng DOE, ang price freeze sa Marikina at Isabela ay iiral mula November 13 hanggang 27 habang November 14 hanggang 28 sa Aurora at Cagayan.

Sa ilalim ng price freeze, magkakaroon ng rollback sa presyo habang mahigpit na ipagbabawal ang anumang taas presyo.

Una na rin sinabi ng Malacañang na walang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Facebook Comments