15 bahay sa Dagupan City, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang aabot sa 15 bahay sa Brgy. Pantal, Dagupan City, Pangasinan kahapon ng umaga.

Sinasabing mabilis kumalat ang sunog dahil gawa sa light materials ang mga bahay at dikit-dikit pa ang mga ito.

Naabo ang 13 habang naapektuhan naman ang dalawang iba pa.


Inaalam pa rin hangang ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Dagupan ang sanhi ng sanuog at kung magkano ang naging danyos nito.

Facebook Comments