MANILA – Labing limang (15) checkpoints ang permanenteng itatayo ng PNP sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila.Bahagi ito ng pinaigting na seguridad matapos magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng State of National Emergency on Account of Lawless Violence.Makakasama ng mga pulis sa checkpoint ang ilang sundalo… pero, paglilinaw ni NCRPO Chief Oscar Albayalde, na ang mga pulis parin ang magsasagawa ng inspeksyon.Sa ilalim ng pinaigting na checkpoints, maaring patigilin at sitahin ang mga sasakyan na makikitaan ng paglabag sa batas.Pinayuhan naman ang mga motorist, sakaling magkaroon ng pang-aabuso sa checkpoint ay agad itong i-report sa PNP.
Facebook Comments