Reward Laban Sa Mga Suspek Sa Davao Blast, Umabot Na Sa P3 Milyon

9

DAVAO CITY – Itinaas na sa tatlong milyong piso ang reward sa sinumang makakapagturo at makaka-aresto sa pangunahing suspek sa naganap na pagpapasabog sa Davao City night market.Ayon kay Davao City Mayor Sarah Duterte, itinaas ang reward para mas mapabilis ang paghuli sa mga nasa likod ng pagpapasabog.Sinabi naman ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa, na kilala na nila ang isa sa mga suspek sa pambobomba kung saan kabilang ito sa isang terror group.Nakilala ang naturang suspek, base na rin sa mga ibinigay na impormasyon ng ilang saksi sa pambobomba.

Facebook Comments