15 Chinese na nahaharap sa kasong fraud at illegal gambling sa Mainland China, naaresto ng Bureau of Immigration sa Bataan

Manila, Philippines – Arestado ng Bureau of Immigration (B-I) ang 15 Chinese na nagtago sa Mariveles, Bataan.

Nabatid na nahaharap ang mga ito sa kasong fraud at illegal gambling sa Mainland China.

Natunton ng mga otoridad ang kinaroroonan ng mga pugante sa pamamagitan ng cellphone locator.


Ayon sa B-I, dito sa Pilipinas ginagawa ang mga ilegal na transaksyon ng grupo na sinasabing sankot sa online gambling, credit card fraud at voice fishing.

Mula Bataan, idinala na ang mga naarestong tsino sa immigration detention center sa Taguig city bago sila ipa-deport pabalik sa China.

Sa ngayon, inaalam na ng mga otoridad ang mga naging biktima ng grupo.
Nation

Facebook Comments