Anim katao, nalunod matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Pila, Laguna

31

Manila, Philippines – Nalunod ang anim na katao matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa bayan ng Pila, Laguna.

Sa ulat, magsasagawa sana ang magkakaibigan sa Laguna lake at patungo sila sa bayan ng Jala-Jala sa Rizal para mamanata.

Pero hindi pa nakakalayo ang sinakyan nilang bangka ay bigla na lamang itong tumaob.

Lumalabas na 15 ang sakay ng nasabing bangka.

Kwento ng bangkero, pinaaalahanan nito sa mga pasahero na huwag maging malikot sa bangka.

Dahil dito, iniutos na ng lokal na pamahalaan na lahat ng bibiyaheng bangka ay magkaroon ng life vest, radio communication at passenger manifest.

Sa ngayon, overloading din ang isa sa tinitingnang dahilan ng pagtaob ng bangka.
Nation

Facebook Comments