Dalawa pang COVID-19 patients sa Pilipinas ang naka-recover na
Ayon kay Department of Health (DOH) Under Secretary Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga pasyenteng nakaka-recover ay walang sakit at nasa middle-aged group.
Habang may apat din mula sa vulnerable group ng matatanda ang gumaling mula sa virus.
Sa ngayon, ayon kay vergeire, wala pa silang nakikitang ‘secret formula’ kung paanong napagaling ang mga pasyente.
Kahapon, pumalo na sa 307 ang tinamaan ng COVID-19, 19 rito ang nasawi.
Samantala, isang batang doktor ng Philippine Heart Association (PHA) ang nasawi dahil sa COVID-19.
Sa inilabas na statement ng ospital, nakasaad na nasawi ang cardiologist habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.
Kasabay nito, umapela ng dasal ang PHA para sa mga medical frontliners at pasyenteng nakikipaglaban sa COVID-19.