15 COVID-19 Patients sa Lungsod ng Cauayan, ‘Fully Recovered’ na

74

Cauayan City, Isabela- Idineklara nang ‘fully recovered’ ang labing lima (15) na COVID-19 patients sa Lungsod ng Cauayan.

Sa ulat ng Cauayan City Health Office ngayong araw, November 8, 2020, gumaling na sa sakit na COVID-19 ang 15 na nagpositibo dahil hindi na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 at natapos na rin ang kanilang mandatory quarantine.


Ang 15 ay sina CV2656, CV2657, CV2658, CV2659, CV2660, CV2661, CV2662, CV2663, CV2664, CV2665, CV2666, CV2667, CV2668, CV2669 at CV2670.

Walo (8) sa kanila ay nakatira sa barangay San Fermin, dalawa (2) sa Cabaruan, apat (4) sa District 1 at isa (1) sa brgy Minante 1.

Sa kasalukuyan, bumaba sa 43 ang aktibong kaso ng COVID-19 SA Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments