Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig City, nasa higit 8,800 na

Muling nakapagtala ang City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ng Taguig City ng 19 na bagong kaso ng COVID-19 sa nalakalipas na 24 oras.

Dahil dito, umabot na sa 8,856 ang kabuuang bilang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Pero 8,726 dito ay gumaling na matapos na madagdagan 31 kahapon.


Animnapu’t lima (65) naman ang nasawi habang may 65 pang active cases .

Ayon sa CEDSU, kahit nadadagdagan ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod, mas marami naman daw ang gumagaling kaysa tinatamaan ng naturang sakit araw-araw.

Facebook Comments