Ipinaalala ng pamahalaan ang ipinapatupad na 15-day price freeze sa liquefied petroleum gas at kerosene products.
Para ito sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Ayon sa Department of Energy (DOE), alinsunod sa December 17, 2021 declaration ng State of Calamity (SOC), epektibo na ang price freeze sa mga kabahayan.
Ibig sabihin, sa loob ng 15 araw ay mananatili ang presyo matapos ang deklarasyon ng SOC.
Ang probinsya ng Bohol, Butuan City sa Cebu province, Jose Panganiban sa Camarines Norte, at Cebu City ang nasa ilalim na ng state of calamity.
Una nang nanawagan ang DOE sa oil industry stakeholders na simulan ang monitoring sa mga presyo, bago ang pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Facebook Comments