Nagsagawa ng distribusyon ng biik ang Department of Agriculture Region 1 at Dagupan City Government sa mga hog raiser na dating naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Brgy. Carael, Dagupan City.
Tinukoy ng DA at ng City Veterinary Office ang 15 benepisyaryo na nabigyan ng tig-tatlong biik na galing sa ASF-free farms.
Layunin ng programa na muling makapagsimula ng kabuhayan ang mga residente matapos ipagbawal noon ang pag-aalaga ng baboy dahil sa banta ng sakit.
Nabigyan din ang mga benepisyaryo ng vitamins, dewormer, antibiotics, at disinfectant para sa kanilang mga alaga.
Magbibigay ng pre-starter, starter, at finisher feeds para sa mga biik ang DA. | ifmnews
Facebook Comments