Lima, patay matapos masunog ang isang apartment building sa Buenos Aires

54

Nasawi ang limang miyembro ng isang pamilya, habang 30 residente naman ang isinugod sa ospital matapos masunog ang isang apartment building sa Buenos Aires.

Ayon sa emergency medical attention system, kabilang sa mga nasawi ang tatlong bata at dalawang babae.

Batay sa paunang imbestigasyon, nangyari ang sunog sa ika-7 palapag ng 14-story building kung saan mabilis kumalat ang apoy.


Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Facebook Comments