15 indibidwal, pinangangambahang nahawa ng babaeng naka-quarantine at gumala na positibo pala sa COVID-19

161

Pinangangambahang nahawa ng babaeng hindi dumaan sa mandatory quarantine na COVID-19 positive pala ang 15 indibidwal na kaniyang nakasalamuha nang kumain at mag-party sa Makati City.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, isang kinilalang Gwyneth Chua na umuwi mula Estados Unidos ang lumabas sa kaniyang hotel kahit mahigpit itong ipinagbabawal.

Sinabi ni Año na malinaw na paglabag sa quarantine protocols ang ginawa ni Chua lalo na’t lumabas siya nang hindi pa nalalaman ang resulta ng swab test.


Dagdag pa ni Año, umaasa siyang hindi Omicron ang kaso ng nasabing indibidwal lalo na mas mabilis makahawa sa mga makakasalamuha.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon kung bakit nakalabas si Chua kahit naka-quarantine.

Facebook Comments