Metro Manila, nasa “moderate risk” na ulit ng COVID-19

49

Inihayag ng OCTA Research Group na nasa “moderate risk” na ulit ngayon ang National Capital Region pagdating sa COVID-19 situation.

Ito ay bunsod ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan umakyat na rin ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa mga tine-test.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, sa kasalukuyan ay nasa 14% na ang positivity rate sa kalakhang Maynila.


Habang sumipa rin sa 1.49 percent mula sa 0.51% ang COVID-19 reproduction rate o ‘yong bilis ng hawahan sa rehiyon.

Facebook Comments