15 KATAO, PATAY; 40 SUGATAN SA SUNOG SA CHINA

Nasa 15 ang nasawi at mahigit 40 ang nasugatan matapos ang isang sunog na sumiklab sa isang apartment building sa Yuhuatai, Nanjing.

Ang footage na ibinahagi sa social medal ay nagpakita ng mga apoy at makapal na itim na usok na bumalot sa ilang palapag ng isang skyscraper.

Ayon sa mga awtoridad nagsimula ang sunog sa unang palapag ng gusali, kung saan naka-imbak ang mga electric bike.


Gayunman, puspusan pa ring iniimbestigahan ang tunay at tiyak na sanhi ng sunog.

Umabot sa 25 fire truck ang rumesponde na binubuo ng 130 bumbero upang apulahin ang nasusunog na gusali.

Ang mga sunog at iba pang nakamamatay na aksidente ay madalas na nangyayari sa China dahil umano sa mahinang pagpapatupad ng mga pamantayan sa kaligtasan.

Facebook Comments