15 katao, patay sa sunog sa isang Rohingya Refugee Camp sa Bangladesh

Tinatayang nasa 15 katao ang nasawi matapos ang malawakang sunog sa isang Rohinya Refugee Camp sa Cox’s Bazar, Bangladesh,

Ayon kay United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) Representative Johannes Van Der Klaauw , 400 refugees pa ang nawawala habang 40,000 kabahayan ang tinupok ng apoy.

500 naman ang naitalang sugatan at 45,000 na indibidwal ang sapilitang inilikas.


Nabatid na ito na ang ikaapat na sunog sa nasabing kampo sa loob lamang ng 4 na araw.

Facebook Comments