Malacañang, nanawagan sa publiko na sa kanilang tahanan na lamang gunitain ang Semana Santa

Nanawagan ang Malacañang sa publiko na gunitain na lamang ang Semana Santa sa pamamagitan ng pananatili sa bahay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang pagninilay at pagdarasal sa loob ng tahanan ang tamang paraan ng paggunita nito, hindi ang pamamasyal o ang pagpunta sa kung saang lugar.

Payo pa ni Roque, manood na lamang ng online masses at makiisa sa mga aktibidad ng simbahan na pwedeng gawin sa pamamagitan ng internet.


Aniya, malaki ang maitutulong ng publiko sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung susundin ng mga ito ang kanilang paalala.

Facebook Comments