15 Katao sa Lungsod ng Cauayan, Tinamaan ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng labing limang (15) katao na bagong nagpositibo sa COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2, ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa Lungsod sa loob lamang ng isang (1) araw.

Ang unang nagpositibo ay si CV2656, 46 taong gulang na lalaki, residente ng Brgy Minante 1 at empleyado ng NIA-Cauayan. Siya ay nagkaroon ng travel history sa Solana, Cagayan noong October 13, Baguio City noong October 16, at bumalik sa Cauayan City noong October 19. Nagkaroon siya ng lagnat at ubo hanggang sa lumabas ang kanyang swab test result na positibo sa COVID-19. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng kanilang opisina.


Pangalawa ay si CV2657, 18 taong gulang na babae, walang asawa at residente ng Barangay Cabaruan. Siya ay isang Locally Strabded Individual mula sa General Trias, Cavite na dumating sa Lungsod ng Cauayan noong October 24 at kinuhanan ng sample noong October 25. Siya ay asymptomatic at nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.

Kabilang din sa mga nagpositibo sina CV2658, CV2662, CV2663, mga kamag-anak ng nagpositibong si CV2579, at pawang nakatira sa Barangay San Fermin. Kasalukuyang na silang naka-strict home quarantine sa kanilang bahay simula pa lang ng maideklarang positibo si CV2579 noong October 23, 2020. Ang tatlo ay asymptomatic o hindi nakaranas ng anumang sintomas ng Covid-19.

Ang lima (5) ay sina CV2659, CV2660, CV2661, 2665, at CV2667 na mga kapamilya, naging direct contact at empleyado ng nagpositibong si CV2540. Nakatira din ang mga ito sa Barangay San Fermin at kasalukuyang naka-strict home quarantine.

Ilan pa sa mga nagpositibo ay sina CV2664, CV2666, CV2668, CV2669, CV2670 na mga kapamilya ng nagpositibong si CV2584, at mga residente ng Barangay District 1 at Barangay Cabaruan. Sila ang mga naging direct contact ni CV2584 na agad pinagstrict home quarantine matapos madeklarang positibo si CV2584 noong October 23, 2020. Apat sa kanila ay asymptomatic samantalang isa ang nagkaroon ng ubo.

Ang kalye kung saan matatagpuan ang bahay ng mga magkakapamilyang nagpositibo sa Barangay San Fermin at Barangay District 1 ay idineklara ng critical zone kaya ang mga ito ay isinailalim na ngayon sa automatic calibrated lockdown alinsunod sa Zoning Containment Strategy ng Inter Agency Task Force.

Sa kasalukuyan, umakyat na sa 59 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.

Facebook Comments