Abot sa 15 high at low powered firearms na may kasamang magazine at mga bala ang isinuko ng mga residente ng Barangay Meta, Maitumaig ,Pananget ,Macalag ,Tuntungan at Bulayan pawang nasa bayan ng Datu Unsay Maguindanao na pinamumunuan ng kanilang alkalde na si Mayor Bai Rashel Ampatuan kay 601st Brigade Commander Brig.General Diosdado Carreon na isinagawa sa munisipyo ng Datu Unsay Maguindanao noong Biernes Marso 2 Ang mga isinukong armas ay kinabibilangan ng M16 A1 rifle, 3 M1 Garand rifle, 4 na homemade 12 gauge shotgun, 2 homemade shotgun(converted), 2 cal.45, 1 cal.9mm pistol at 2 uzi submachine gun. Sinabi ni Gen. Carreon ito ay produkto ng nagpapatuloy na kolaborasyon ng gobyerno katuwang ang mga local chief executives at barangay officials sa implementasyon ng martial law at kampanya kontra loose firearms. Noong Feb 27 ay umabot naman sa 88 armas ang isinuko ng mga residente ng Buldon ,Parang, Matanog at Barira Maguindanao sa mga otoridad. Pinuri at pinasalamatan naman ni 6th Infantry Division Commander MGen Arnel Dela Vega ang suportang ipinamalas ng mga local officials sa disarmament program ng gobyerno.(Amer Sinsuat)
15 loosefire arms isinuko sa Maguindanao
Facebook Comments