15 lugar sa Quezon City, nakakaranas ng water interruption dahil sa mga isinasagawang maintenance activity ng Maynilad

Kasalukuyang nakakaranas ng kawalan ng tubig ang 15 lugar sa Quezon City.

Alas-9:00 kagabi, June 8, nang magsimulang maranasan ang water interruption at magtatagal hanggang bukas, ala-1:00 ng madaling araw, June 10.

Kabilang sa mga lugar na nakakaranas na ng kawalan ng suplay ng tubig ay ang mga sumusunod:


Bagbag
Bagong Silangan
Batasan Hills
Commonwealth
Greater Fairview
Gulod
Holy Spirit
Nagkaisang Nayon
North Fairview
Payatas
San Bartolome
Sta. Lucia
Sta. Monica
Sauyo
Talipapa

Layon nito na maayos ang tagas sa North C pumping station at sa North C annex sa Quezon City, ang pagkakabit ng bagong linya ng tubig sa Batasan Hills, Commonwealth at Payatas at ang pagtanggal ng water pipeline sa Sta. Lucia.

Maliban sa Quezon City, may scheduled water interruption din sa Pasay at Paranaque City.

Facebook Comments