15 lungsod sa bansa, pinagpipiliang pagdausan ng Bar Examination sa 2023

May pinagpipilian na ang Supreme Court (SC) na labinlimang lungsod sa bansa para isagawa ang 2023 Bar Examinations.

Sa bar bulletin na inisyu ng Korte Suprema, ang tentative target locations sa Luzon ay sa Baguio City, Tuguegarao City, San Fernando City, La Union, Naga City, Maynila, Makati City, Pasay City, Quezon City, at Taguig City.

Sa Visayas naman ay sa Cebu City, Iloilo City at Tacloban City habang ang mga lungsod naman ng Davao, Cagayan de Oro, at Zamboanga ang planong pagdausan ng eksaminasyon sa Mindanao.


Gayunman, nilinaw ng mataas na hukuman na hindi pa pinal ang mga nasabing lugar at maaari pang mabago.

Nasa proseso pa kasi ang Office of the Bar Chair sa pagtukoy sa geographical demand sa bawat tentative target location.

Ang venue-matching mechanics at pinal na testing centers ay iaanunsiyo ng SC sa hiwalay na bar bulletin.

Facebook Comments