Borongan Airport sa Eastern Samar, pormal nang nagbukas sa commercial flights

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang matagumpay na pagbubukas sa commercial flights ng Borongan Airport sa Eastern Samar.

Bunga nito, inaasahang magiging daan ito sa lalo pang pagdagsa ng mga turista sa surfing site sa lalawigan.

Gayundin sa tourist spots sa Eastern Samar tulad ng Ando Island, Divinubo Island, Hilangagan Beach, Matandugon Beach, at Baybay Boulevard.


Ang Borongan Airport ay isang community airport na may pre-departure area at may seating capacity na 75.

Facebook Comments