15-M kabataang edad 5-11, target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19

Target ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang 15 milyong kabataan na edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Special Adviser of National Task Force Against COVID-19 Dr. Ted Herbosa, magsisimula ang pediatric vaccination ng naturang age group sa ilang ospital sa Metro Manila sa Biyernes, February 4 at sa mga susunod na araw ay itutuloy-tuloy ito sa buong bansa.

Aniya, uunahing bakunahan ang mga batang may commorbidity o immunocompromised dahil sila ang high-risk sa virus.


Tanging ang mga batang may pre-existing medical condition lamang ang kailangang magpakita ng medical certificate mula sa kanilang mga doktor.

Posible ring makaranas ng mga minor adverse effect tulad ng lagnat at panghihina ng katawan ngunit tiniyak ni Herbosa na magiging maayos ulit ang bata makalipas ang ilang araw.

Samantala, pinayuhan naman ni Philippine Pediatric Society Chairperson for Vaccination, Dr. Timmy Gimenez ang mga magulang na huwag basta-basta magtiwala sa mga impormasyong nababasa sa social media at sa halip ay kumonsulta sa mga eksperto.

Facebook Comments