CBCP, maglalabas ng pastoral statement kaugnay sa 2022 election

Binubuo na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isang pastoral statement kaugnay sa 2022 election.

Ayon kay CBCP President Bishop Pablo Virgilio David, mailalabas nila ang nasabing pastoral statement bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Aniya, dumadaan pa sa collective discernment o nagkakaisang pag-aaral ang pagbabalangkas ng pastoral statement.


Paliwanag ni Bishop David, hindi lamang mga obispo ang bumubuo ng Simbahan dahil kasama rin ang lay people at iba pang religious partner.

Nauna nang naglabas ang CBCP ng pastoral statement on ecology kung saan nagkaisa sila laban sa pagtanggap ng donasyon mula sa mga kompanya ng pagmimina at langis.

Facebook Comments